Skip to main content

Ang pag-aalaga ng ating kuko ay nakakaiwas ng maraming posibleng sakit




Karamihan sa mga tao habang tumatanda ay nakakaranas ng pagkukulay, pagkakapal at pagkasira ng kuko. Ito ay tinatawag na onychomycosis o yung impeksyon dulot ng fungus.

Ito ay nagdudulot ng pagbaba ng bilib sa sarili, at mahihiya. 

Ito ay hindi naman seryoso pero ito ay pangit tingnan saka mahirap gamotin.


Ang sakit na ito ay nakakadulot ng:

1. Ang pagkaiba ng kulay ng kuko - Ang kuko ay pwede maging puti, itim, dilaw o berde na kulay.
2. Ang pagkapal at pagsira ng kuko - Ang kuko ay pwede umiba ang hugis, at hirap bawasan.
3. Mayroong sakit na mararamdaman sa lugar ng impeksyon
4. Madaling masira, o pwede ring matanggal.

Ang pinakaimportanteng malaman ay ang fungal infection ay nakakahawa sa iba, at pwedeng makalat sa ibang parte ng katawan na makakadulot ng maraming posibleng sakit.

Ang fungi na ito ay gusto sa mga mainit, madilim, at namamawis katulad ng iyong paa.


Lalo kang magka infeksyon kung ikaw ay:

  • Hindi ginagawang malinis saka tuyo ang paa.
  • Sumusuot ng sapatos na nakakadulot ng pamamawis at mainit.
  • Naglalakad ng walang tsinelas lalo na sa marurumihing lugar, lalo na sa gyms, publikong shower, locker roomns
  • Kontaminadong materyales sa pag putol ng kuko
  • Pag nasiraan ang iyong kuko
  • Pag mababa ang immune system.
  • May ibang sakit tulad ng dyabetes, psoriasis, or peripheral heart disease

Pwedeng maiwasan ang sakit na ito gaya ng:

  1. Dapat tuyo at malinis ang kamay at paa
  2. Pagsuot ng tamang sukat na sapatos, na gawa sa natural na materyales, at malinis na medyas; ito ay kailangan para makahinga ang iyong paa
  3. Palaging maikli ang kuko, Huwag magpahiram ng nail clipper sa iba.
  4. Hindi maghiraman ng medyas at towel
  5. Hindi naglalakad sa mga publikong pool at shower, locker rooms 
  6. Palitan ang sapatos na maaring kontaminado ng fungi.
Picture ng may fungal infection:


Tandaan:


  1. Maghugas at magsabon ng kamay at paa palagi, at 'wag kalimutang ipatuyuin.
  2. Dapat palitan palagi ang iyong kumot at towalya.
  3. Uminom ng Vitamin C.
  4. Kumain ng masustansyang pagkain
  5. Uminom ng walong basong tubig.
  6. Regular na pagtrim ng kuko.
  7. Huwag magshare ng nailcutter.

Comments

Popular posts from this blog

Ang Regular na Pag Ultrasound ay nakakabuti sa Pagbubuntis, Alamin ang schedule kailan dapat magpa Ultrasound

Ang Pag ultrasound ay ang paraan na para makita ang loob ng katawan. Maliban sa mga organs, Ang Ultrasound ay ginagawang paraan para makita ang paglaki ng nabubuntis na anak. Ang pagkalito kung paano makikita ang looban sa pamamagitan ng sound waves ay nakakadulot ng takot, at pagdinig nito ay parang maisip ng halos ng mga buntis ay nakakasama ito sa pinagbubuntis na anak. Ayon sa Kay Dr. Sighal, Special Radiologist sa isang  news article, "Ultrasound is defined as sound waves having frequencies above the human audible range. Hence the baby is not at risk as it can't hear these sound waves." Kumpara sa xrays, ang Ultrasound ay hindi nag eexpose sa bata ng rays. Dagdag nya pa, walang kaso ay nabalita na ang Ultrasound ay nagdulot ng masama mula sa simula ng pagamit nito. ALAMIN kung ano ang regular na schedule sa Pag Ultrasound: A. 6 weeks to 10 weeks - Ito ang unang pagconpirma sa iyong pagbubuntis. Ito din ay tinatawag na First Trimester Scan Pagkatapo...

Ang Pag-inom ng Yakult sa byahe ay nakakatulong nga ba sa Kalusugan

Ang Yakult ay isa sa mga kilalang inumin sa Pilipinas. Ito ay kinigilawan ng mga bata kase ito ay lasang gatas at matamis. Ito ay sinasabing may probiotics na ibig sabihing may Good Bacteria. Ang advertisement o tagline nito ay "Yakult Everyday, Everyday Ok" Paano nakakatulong ang Yakult sa kalusugan? Ang Yakult ay may bacteria na tinatawag na   Lactobacillus paracasei  isang inumin na nagtutulong sa iyong pagkain para matunaw at mapalitan sa enerhiya. Itong bacteria ay masasabing Good bacteria o Probiotics dahil itong bacteria ay mismong matatagpuan sa tiyan ng tao. Nakakatulong mapabilis ang pagtunaw ng pagkain. Kapag ikaw ay nararanas ng Hypoglycemia, o mababa o kailangan ng sugar intake. Ito ay may 11 grams na sugar na dapat din tandaan para hindi sumubra naman ang sugar sa dugo. Dahil sa sugar na ito, itong sugar ay pwedeng mapalitan para maging enerhiya na kailangan naman natin para may lakas ang ating pangatawan. Bagamat ako ay umiinom ng sobra...

Paano pumili ng bibilhing itlog?

Ayon sa US FDA , ang itlog ay dapat malinis at na proseso para mapatay ang bacteria na Salmonella. Ang mga tao na magkakasakit sa Salmonella ay maaring makaramdam ng: Diarrhea Lagnat Sakit sa tiyan Pagsusuka Pagkamatay(Hindi Madalas) Ang Salmonella sa itlog ay kadalasang dahilan ng Food Poisoning. Ang mga bata, buntis, taong may AIDS at may sakit ay mahina ang resistensya kaya mabuting tandaan ang tips sa ibaba. Pag bibili ng itlog dapat tandaan na: Dapat nabebenta sa ref Dapat malinis at walang crack ang itlog Dapat malinis din ang karton na pinaglalagyan nito. Dapat magamit ang itlog sa loob ng tatlong linggo, mabuting may label ang itlog ng expiry. Dapat ilagay ang itlog sa fresh section(2 to 7 degrees celcius) ng ref pagdating sa bahay. Linisan ang itlog bagu itagu o lutuin. Kung kailangan hilaw o bahagyang luto ang itlog, dapat ito ay ma pasteurize ibig sabihin na proseso ito sa pagpatay ng anong uri man ng bakteria Kapag lulutuin na ang i...