Hirap sa paghinga, may sipol saka madaling mapuyat ay simtomas ng COPD, o Chronic Obstructive Pulmonary Disease ay sakit galing sa paninigarilyo
Pinoy Kalusugan · Post Ang COPD na sakit ay hindi mapapagaling kaya alamin ito at iwasan
Ano ba ang COPD?
Malamang hindi mo pa alam tungkol sa COPD.Chronic Obstructive Pulmonary Disease (COPD) ay kondisyon ng baga na nagdudulot ng pagkakitid ng daluyan ng hangin.
Ito ay kadalasan lumalabas sa edad na 40.
Ano ba makakapagdulot ng COPD?
Ang pinakakomon na dahilan ng COPD ay lahat ng uri ng paninigarilyo ng tobacco. Pag matagal ng naninigarilyo at maraming sigarilyo taga araw, ay mataas na posibilidad at panganib sa paghihirap ng COPD.Sinuman kahit huminto ng paninigarilyo ay pwede pa ring makaranas ng COPD.
No to smoking |
Ang ibang paraan na makakuha ng COPD:
- Second-hand smokers o nasa lugar na may naninigarilyo ng tobacco, paglanghap ng tobacco ay nakakasira din sa ating baga
- Paglanghap ng alikabok, kemikal at iba pang polusyon
- Ang paghirap sa paghinga pagkatapos ng kaunting pisikal na galaw
- Talamak na pag uubo na may kasamang dura sa buong araw lalo na sa umaga
- May sipol na kasama sa inyong paghinga
- Mabilis na pagkapuyat
Para maitiyak ang kalagayan mabuting ipakonsulta sa inyong doctor ang iyong kalagayan.
Pwede bang mapagaling ang COPD?
Ito ay hindi na mapapagaling subalit pwede itong controlin. Pwedeng gumamot para hindi na lumala.
Maagang pagpuna sa COPD ay makakabuti sa pagbaba ng simtoma at paglala ng sakit ay mapabagal.
Ano ang mga paraan para maiwasan ang COPD?
- Hindi maninigarilyo, Hintoan ang paninigarilyo
- Umiwas sa lugar na may naninigarilyo
- Iwasan ang paglanghap ng kemikal at mga polusyon
- Mag exercise palagi para mapalakas ang iyong baga at mapabuti ang iyong paghinga
- Kumain ng malusug na pagkain na makakapagtulong sa malakas na immune system, at makakapababa ng inpeksyon sa baga
Comments
Post a Comment
Please type your comments here