Ang Pagiging Obese ay baka kasalanan ng Maling Pagpalaki ng mga Magulang. Ano ang mga gagawin pag Obese kana?
Ano ang Obesity?
Ang Obesity ay labis na katabaan ng tao dulot ng pagkain ng mali, sobra-sobra na sinabayan nang di pag ehersisyo
Ano ang pinagmulan ng labis na katabaan?
- mga pagkain na mataas sa asukal o calorie saka pagkain ng may mababang nutrisyon.
- Ang stress sa oras, ay nakakapag obese sapagkat ito ay nagdudulot sa tao ng bumili ng pagkain ng fast foods, process foods at ready foods kasi ito ay di na kailangan iluto pa. Kulang sa oras ay nagdudulot ng hindi sa pag iisip kung anong tamang kakainin.
- Ang pagpili ng tao sa mabilisang makain at mga ready to cook na process foods kaysa kalusugan.
- Ito ay pwede ring mamana sa ating magulang.
Paano malalaman kung ang iyong timbang ay tama lang o sobra na?
Balikan natin ang nalalaman natin sa eskwelahan, ang tungkol sa BMI o Body Mass Index.
Kung gusto mong malaman ulit kung paano kunin ang BMI,
BMI, o Body Mass Index, Height in meters |
Ang Labis na katabaan ay unti unting maka dulot ng mas malaki pang problema kung hindi aagapan!
Tulad ng:
- Hypertension (High Blood Pressure)
- Diabetes (Type 2)
- Dyslipidemia (High Cholesterol o Triglycerides)
- Sakit sa puso
- Stroke
- Gallbladder disease
- Osteoarthritis
- Hirap sa pagkagalaw at sakit sa likod
- Mahirapan sa pagtulog
- Mapadali magka cancer sa breast, endometrial at colon cancer.
Ngayon alam na natin ang tungkol sa Obesity, at naunawaan na natin na kailangan natin iwasan ito. Ang mga posebleng gawin natin ay
- Dapat controlin ang diet
- Dapat mag exercise
- May mga gamot na para ang ibang sintulad na sakit ay maiwasan
- Huling paraan ay mag pa opera
Ang isang paraan ng pag opera ay tinatawag na Bariatric Surgery. Ito ay isa sa mga paraan na ligtas at epektibo. Ito lamang binibigay kapag ang ibang paraan ay hindi epektibo.
Ito ay para lang sa mga taong:
- May BMI na lagpas 40.
- May BMI na 35-40 pero may niraramdam na sakit dulot ng obesity.
- Pag nagawa na ang mga paraan na hindi opera at may panganib sa kalusugan, dapat ng mag pa opera.
Hindi ito para sa:
- May sakit na lalong lumalala pag nag pa opera
- May sira sa ulo at pag iisip
- Nalulong sa inumin o ano mang bagay
- May cancer, End Stage, may mga HIV patients
- Mga hindi makapag control sa diet
Kung ikaw yung pasyente na gustong mag bago yung buhay, mapagaling, at gustong gumaling, ikaw muna ay dadaan sa initial na consultasyon sa siruhano. Blood tests, ECG, chest xray, endoscopy.
Dadaan din sa cardiac clearance.
Dadaan din sa psychological evaluation.
Clearance sa iyong anaesthesia.
At ang huli at pinakaimportante sa lahat ay, ikaw ay magdadiet ng 2 weeks bago ang operasyon ng High Protein at Low carbohydrates. Ito ay nakakatulong sa pagliit ng iyong liver para maging mas maligtas ang operasyon.
Ang iniexpect na gagawin pagkatapos mag paopera ay:
- Mag diet: Liquid o tubig lang sa loob ng dalawang linggo. Soft diet sa susunod na dalawang buwan. Ang kinakain dapat ay panatilihing kunti.
- Ang panghabaan na diet dapat low-fat, high protein saka well-balanced.
- Dapat mag vitamin supplement
- May regular na ehersisyo.
- Dapat may regular na check-up sa doctor
- Dapat may follow-up sa iyong local na dietician.
Ang pagkain ng tama ay palaging nakakaiwas ng gastos, at sakit. Dapat ito ay isaisip natin, para sa ating sarili, sa ating mga anak, at sa lahat ng kakilala.
Masarap ang bawal, pero bakit hindi natin gawin na pasarapin ang tama?
Ang environment ay malaking bagay na makapagpaiba sa gawaing kalusugan ng tao.
Ang mga MALING gawain ng mga magulang
- Ang ating magulang pag hindi alam ang tamang pagpakain sa kanyang anak, ay makapagdulot ng simulang systema ng pagtanggap ng katawan sa maling pagkain na makakadulot ng obesity o labis na pag kataba.
- Ang ating magulang naisip lang na dapat tayo ay kumain ng marami para tayu ay lulusog, lalaki at tumangkad.
- Nasaisip nila na dapat ang kinakain natin ay katumpak sa kinakain ng mga matanda na.
- Ang mga bata pa na umiiyak lamang ay hindi na maka reklamo kasi nagagalit ang mga magulang pag hindi kinain ang pagkain kahit alam ng mga bata ay busog pa sila.
- Bumili palagi sa fastfoods. Mag pa birthday sa fastfoods.
Comments
Post a Comment
Please type your comments here