What are varicose veins? Ano ba ang Baricus?
Ang baricus ay madali lang naman malalaman, basta ito ay malaking ugat na nakaumbok na makikita lalo na sa iyong paa at binti.
Ano mararamdaman pag may Baricus kana?
Meron naman iba wala, pero ang iba ay may mararamdaman na sakit, pagkainit, puyat sa paa at binti. Mas lalala pa pag ikaw ay palaging tumatayo or nakaupo ng mahabang oras o yung trabaho mo ay ganyan.
Ang pag pamamaga sa paa at pangangati sa ugat lalo na sa ibabang binti at bukung-bukong ay isang sinyales din na mararamdaman.
Paano ako nagkaroon ng Baricus?
- Age (Elderly o Matanda)
- Pregnancy(Some pregnant women o Ibang buntis)
- Family History, blood-related family had varicose veins or been diagnosed with chronic venous insufficiency or venous reflux (May ka dugong pamilya na may baricus)
- Obesity (Ang sobrang timbang sa katawan)
- Continuously Standing or sitting for long periods of time, heavy lifting(ang palaging nakatayo o pag-upo ng matagal, ang pagbuhat ng mabigat ay pwede rin mapagmulan ng baricus)
Complications pag hinayaan mo ay ulcer saka blood clots.
Ito ang pinagkaiba ng may varicose at wala.
Maaring gawin sa bahay, Home treatment, advice, pag hindi gumana o malala na punta ka na sa iyong doctor
- Ang Baricus vein ay gagaling naman pag babagohin natin ang ating pamumuhay.
- Magbawas ng timbang, pag suot ng maluluwag na damit, pag-lakad na exercise ay simpling gawain lamang.
- Ang pag suot ng compression stocking sa buong araw ay nakakatulong pigain ang iyong binti na makakatulong naman na para ang dugo sa paa at binti ay makagalaw ng mahusay.
- Umiwas ng pagkaing maalat para maiwasan pagmamaga.
- Umiwas ng pag suot ng matataas na takong.
- Magsuot ng maluwang na damit sa banda ng balakang, singit at binti dahil ito ay magdudulot ng pagbaba ng daloy ng dugo.
- Humiga ka na ang paa mo ay naka patong sa tatlo o apat na unan, o basta lang itaas mo yung paa mo mas mataas sa puso mo.
- Umiwas na tumayo at umupo ng matagal. Gawing maglakad bawat kalahating oras. Ang mahabang pag-upo at pagtayu nakakadulot ng baricus
- Huwag umupo na naka ekis ang binti. O napapatungan ng katawan mo ang paa.
Paano ma diagnose ng doctor ang varicose veins?
Titingnan ang iyong paa at binti ng iyong doctor. At pwede rin na ipag Ultrasound test para makita kung ang ugat ba ay ok pa o may pagbabara na.
May maraming bagay na pwedeng pagalingin yung baricus sa pamamagitan ng operasyon. Ito ay mahal pero ito ay:
- Surgical Management Sclerotherapy
- Cathether-assisted procedures: Radiofrequency Ablation(RFA)
- Vein Stripping
- Ambulatory phlebectomy
Disclaimer: The information is gathered after going to the hospital for check. The opinions and information should not be taken as formal medical advice. The information is not intended to replace medical advice offered by your doctor. You should not delay seeking or disregarding medical advice, or discontinue medical treatment based on information above.
Comments
Post a Comment
Please type your comments here