Mga Posibleng Cancer sa mga Ari ng mga Babae:
1. Cervical Cancer
2. Ovarian Cancer
3. Uterine Cancer
4. Vaginal Cancer
5. Vulvar Cancer
6. Fallopian Tube cancer
Ano ba ang Cervical cancer?
Ang Cancer ay isang sakit na kung saan ang cells ng katawan ay naging abnormal, o dumadami na wala sa kontrol. Ang Cancer ay napapangalan kung saan ito nagsimula kahit na ito ay kumalat pa sa ibang parte ng katawan.
Kapag ang Cancer ay nagsimula sa iyong Cervix, ito ay natatawag na Cervical Cancer.
Ang cervix ay matatagpuan sa parteng ilalim ng iyong uterus. Itong uterus ay kung saan nabubuo ang isang sanggol habang buntis.
Cervical Cancer vs Normal Cervix |
Ang lahat ng babae ay at risk sa cervical cancer. Ito ay madalas sa edad na 30 years old. Ang HPV o ang Human Papiloma-Virus ay kadalasang sanhi sa cervical cancer. Ito ay sakit na mapapasa habang nagtatalik. Pero hindi lahat ng may HPV ay may cervical cancer.
Ano ang mga Simtomas?
Sa unang stage ng Cervical cancer ay hindi pa madali malalaman ang senyales at simtomas na ito.
Bleeding o pagdudugo pagkatapos makapgtalik na hindi normal sa iyo. Pumunta sa doktor para ito ay masuri pang mabuti.
Ano ang mga gawain na lalong magkaroon o tataas ang chance ng Cervical cancer?
1. HPV, kadalasan pag ang babae ay nakapagtalik ng maaga, or ang partner ay may katalik na iba pa.
2. Paninigarilyo
3. HIV(Ang Virus na nagdudulot ng AIDS) or ibang kondisyon na hihina ang immune system
4. Pagamit ng Birth Control pills ng 5 taon o mahigit pa
5. Nagkaanak ng tatlo o mahigit pa
Paraan malaman kung may Cervical cancer: Ang dalawang paraan ay na makakatulong para maiwasan lumala ang iyong Cervical cancer.
- Pap Test[Para sa Pap Smear] ay paraan ng paghahanap ng precancers, pagbabago sa mga cells, sa cervix para ito ay maiwasan at mapagaling. Ang Pap test ay recommended sa mga babaeng may edad na 21 to 65 years old.
Note: Ang Pap test ay para lang sa Cervical cancer at hindi paraan para sa ibang gynaecologic cancer.
2. Ang HPV test ay test para sa HPV - ang virus na maging dahilan para mabago ang ibang cell at masimulan ang cervical cancer.
Paano maiwasan ang Cervical Cancer?
- Magpa-Bakuna ng HPV Vaccine. Para maprotektahan ang sarili para sa cervical, vaginal at vulvar cancers.
- Bisitahin ang iyong doktor para sa regular na Pap test.
- Follow-up sa doktor pag ang results ng Pap test ay abnormal.
- Iwasan manigarilyo
- Gumamit ng Condom sa pagtatalik
- Limitahan ang sex partners
Ano ang gagawin pag mayroon kang Cervical Cancer?
Ang iyong doktor ay dapat mag recommend sa gynaelogic oncologist, o ang doktor na bihasa sa cancer para masimulan na agad ang iyong pagagamot.
Kailan dapat ang tamang panahon para magpatest para sa Cervical cancer?
- Ang Pap test ay pinakaasahan at epektibong cancer screening test na mayroon sa ngayon.
- Ang mga babae ay dapat ng magsimulang magpatest sa edad na 21 years old.
- Ang mga babaeng may edad na 21 to 29 years old ay dapat mag Pap test every 3 years. Mag pa HPV test lamang pag abnormal ang Pap test.
- Ang mga babaeng 30 to 65 years old naman ay dapat magpa Pap test at HPV test every 5 years o Pap test lamang every 3 years.
- Ang mga babaeng 21 to 65 years old ay dapat paring siguraduhing mag pa Pap test kahit hindi na nakapagtalik o malabo nang magkaanak pa.
Hindi na kailangang mag pa Pap Test kung:
- Ang mga babaeng may edad na 65 years pataas pero normal sa Pap test at HPV, o hindi critical ang kalagayan ay hindi namang pinapayohang mag pa screen pa. Ang mga babaeng mayroon lamang cervical precancer ay pinapayohang mag pa screen pa.
- Ang Cervix ay natanggal na, part of total hysterectomy para sa mga non-cancerous na kondisyon, gaya ng fibroids.
Disclaimer: Ang nilalaman ay isang recommendation lamang. At dapat paring magpakonsulta sa iyong especialista para masuri ng mabuti ang kalagayan ng iyong kalusugan. Tandaan ang nilalaman ay general knowledge at kailangan magpasuri sa doktor sa specific na nararamdaman.
Comments
Post a Comment
Please type your comments here